Advertisement
Not a member of Pastebin yet?
Sign Up,
it unlocks many cool features!
- Paano nakatutulong ang pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip sa isang mag-aaral sa senior high school?
- Ang mga paaralan ng Pilipinas ay nagsisikap na bumuo ng kanilang estudyante ng mga katangian tulad ng pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip. Ang pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip sa pagsusulat ng isang mag-aaral ay nakatutulong sa kani-kanilang pamamaraan. Nakakatulong ang pagkamalikhain sa isang mag-aaral sa senior high school sa pamamagitan ng paglawak ng kaisipan, ideya, o imahinasyon. Ito ay naisasagawa sa tulong ng malawak na imahinasyon ng isang mag-aaral kung saan mas naka-iisip ito ng mga ideyang bago at hitik sa iba’t ibang tema. Samantala, nakakatulong rin ang mapanuring pag-iisip sa isang mag-aaral sa senior high school sa pamamagitan ng paglawak ng impormasyong nalalaman. Ito rin ay makakatulong upang maging maayos ang estruktura ng pagsulat. Ang mga katangian na dapat taglayin ng isang mahusay na manunulat sa pagsulat ng mga akda ay ang pagiging malikhain at mapanuri. Maaari nating magamit sa ating hinaharap ang mga bagay na humuhubog sa ating utak. Upang makabuo ng mga paniniwala sa buhay at pagdedesisyon nagtutulungan ang dalawang kakayahang ito.
- Ipaliwanag ang pagkakaiba ng akademik at di-akademik na gawain.
- Para sa akin, ang akademikong gawain at di-akademikong gawain ay may pagkakaiba at pagkakatulad. Ang akademikong gawain ay may kritikal na paghusga o pag-analisa sa mga kumplikadong ideya at impormasyon. Ito rin ay pormal na pagsulat na nagaganap sa isang akademikong institusyon gaya ng sa edukasyon o eskwelahan. Ang mga impormasyon na nakapaloob sa mga akademikong gawain ay malinaw at maikli upang madaling maintindihan ng ibang tao. Samantala ang di-akademikong gawain ay Mga gawaing nagpapahayag ng emosyon, kaisipan o opinyon ng isang tao. Ito rin ay di pormal at personal na pagsulat na nagaganap sa labas ng eskwelahan at tumutukoy na walang kinalaman sa akademiks o pag-aaral. At ang mga impormasyon na nakapaloob sa mga di-akademikong gawain ay paligoy-ligoy ang paglalahad o pagbibigay ng paksa.
- Maaari bang gawin sa loob ng akademiya ang mga gawing akademiko at ang mga gawaing akademiko sa labas ng akademiya? Ipaliwanag at magbigay ng halimbawa na magpapatunay rito.
- Oo, maaring gawin sa loob ng akademiya ang mga gawaing di-akademiko at ang mga gawaing akademiko sa labas ng akademiya. School fair, intramurals, at iba pa ay ang mga halimbawa ng mga gawaing di-akademiko sa loob ng akademiya. Ang mga estudyante ay nagkakaroon ng pagkakataon na pagtibayin ang kasanayan sa pakikihalubilo sa ibang tao. Samantala ang field trip, work immersion o On-the-Job Training (OJT), survey, at iba pa ay ang mga halimbawa ng mga gawaing akademiko sa labas ng akademiya. Hindi lamang ito nalilimitahan ang pagkatuto sa loob ng akademiya ay maaari rin itong magawa sa labas ng akademiya.
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment
Advertisement